June 30, 2020

#LettersForBlackLives - Tagalog // Read by Rhodette Grace Saguid // #BlackLivesMatter

#LettersForBlackLives - Tagalog  //  Read by Rhodette Grace Saguid  //  #BlackLivesMatter

A reading of the Letters for Black Lives translated into Tagalog. Written and edited by the Letters For Black Lives Team. Translated by the #Translation-Tagalog Team. Read by Rhodette Grace Saguid. Video available on Instagram, Facebook, and YouTube @dear

A reading of the Letters for Black Lives translated into Tagalog. Written and edited by the Letters For Black Lives Team. Translated by the #Translation-Tagalog Team. Read by Rhodette Grace Saguid.

Video available on:
Instagram: www.instagram.com/dearasianamericans
Facebook: www.facebook.com/dearasianamericans
YouTube: www.youtube.com/dearasianamericans

Transcripts of the letter below and also available at:
https://lettersforblacklives.com/ 

//

Mahal Kong Nanay, Tatay, Tito, Tita, Lolo, Lola, Pamilya:
Kailangan po nating mag-usap.
Siguro po ay hindi ganoon karami ang mga kaibigan o kakilala niyo na Itim. Pero para po sa akin, mahalagang bahagi sila ng buhay ko: ilan sa kanila ay mga kaibigan, kabarkada, kapitbahay, katrabaho, at kapamilya ko. Natatakot po ako para sa kanila. Hindi man sila bahagi ng buhay niyo, pero hindi niyo naman po kailangang magkaroon ng relasyon sa kanila para maintindihan ang mga nangyayari.
Kamakailan lang sa Minnesota, pinatay si George Floyd, isang Itim, ng puting pulis. Mapwersang lumuhod ‘yung pulis sa leeg ni Floyd at sinakal siya ng halos 9 minutes, kahit na paulit-ulit nang nagmakaawa si Floyd na hindi siya makahinga. Dinaganan si Floyd ng dalawang pulis, habang ang pang-apat na pulis, isang Asian, ay tumayo lang at walang ginawa. Hindi nag-iisa si Floyd. Ngayong taon pa lang, si Dreasjon Reed ng Indiana at si Tony McDade ng Florida ay ipinaslang din ng kapulisan noong Mayo. Ganito rin ang nangyari kay Breonna Taylor sa Kentucky noong Marso. Noong Pebrero naman, pinatay pa ng isang dating police detective  si Ahmaud Arbery sa Georgia.
Kahit na madalas ang balita sa media at malakas ang ebidensiya, walang pananagutan ang mga pulis sa pagpatay nila sa mga Itim. Isipin natin kung ilan pang kaso at aksidente ang hindi alam ng publiko dahil hindi nakuhanan ng video
Ito po ang nakakatakot na reyalidad na pinagdadaanan ng mga Itim araw-araw.
Baka iniisip niyo po, minority rin tayo; nakakaranas din tayo ng diskriminasyon. Dumating tayo sa Amerika at nagkaroon ng disenteng buhay. Nagsimula tayo ulit sa wala at nagsumikap sa kabila ng paghihirap at diskriminasyon. Baka naiisip niyo, kung nagawa natin ‘to, bakit hindi rin kayang magawa ng mga Itim?
Gusto ko pong sabihin ang pananaw ko. Sinasabi ko po ‘to sa inyo kasi mahal ko kayo, at naniniwala akong kailangan nating lahat gawin ang tama. 
Tuwing naglalakad tayo sa labas, bihirang-bihira tayong ituring na mapanganib ng mga tao. Umaalis tayo ng bahay nang hindi iniisip kung makakabalik pa tayo. Hindi rin tayo takot na papatayin tayo ng pulis kung mahuli man tayo habang nagmamaneho.
Hindi ‘to ang sitwasyon para sa mga Itim. 
Ang mga ninuno nila ay pwersahang dinala sa Amerika bilang mga alipin, matapos silang ibenta o dukutin. Ilang daang taon na inabuso at tinratong pag-aari ang mga katawan nila, at ginamit sa pagpapayaman ng iba. Kahit pagkatapos gawing ilegal ang slavery, patuloy na pagpapahirap ang dala ng gobyerno sa kanila—ipinagbawal silang bumoto, makapag-aral, at makapag may-ari ng lupa o negosyo. Ang mga pang-aaping ito ay dahil sa kapulisan at sistema ng kulungan—mga bagay na diretsong nanggaling sa mga slave patrol at plantation. Namumuhay ang mga Itim sa ilalim ng patuloy na banta ng karahasan na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Patuloy ang pang-aapi sa kanila; ang nag-iba lang ay ang anyo nito.
Nagpumilit at nagpursiging lumaban ang mga Itim sa kabila ng lahat ng ito. Sila ay nagulpi, napakulong at napaslang na ng mga pulis dahil pinagtaguyod nila ang mga karapatang pinakikinabangan nating lahat ngayon. Kahit ipagtapat pa ng sistema ang mga Itim sa katulad natin, silang mga Itim pa ang tumulong ibasura ang mga hindi patas na batas laban sa imigrasyon. Sila rin ang nagpawalang-bisa sa racial segregation para sa ating lahat. 
Patuloy man ang pag-usad natin, umaangat pa rin ang hindi patas na sistema. Sa paglipas ng daan-daang taon, malaya pa ring pinapaslang ng gobyerno ang mga Itim.
Naiintindihan ko naman kung bakit kayo natatakot at nag-aalala sa mga looting na nangyayari. Pero isipin niyo kung gaano kasakit marinig ang ibang taong sabihin na mas mahalaga pa ang materyal na bagay, bagay na pwede namang palitan, kaysa sa buhay ng mga taong mahal natin. Isipin niyo kung gaano kahirap mag-protesta sa gitna ng pandemic. Isipin niyo ‘yung pagod na dulot ng paulit-ulit na laban sa karahasan ng gobyerno na noon pang nilalabanan ng ninuno niyo. 
Ito po ang mga dahilan kung bakit ko sinusuportahan ang Black Lives Matter movement.
Bahagi ng pagsuporta ko ang pagtutuwid ko sa mga kakilala ko tuwing minamaliit nila ang pagkatao ng mga Itim. Kahit ang sarili kong pamilya ang gumawa nito, sinasadya man o hindi. Ang katahimikan natin ay may kapalit, at kailangan natin ‘tong pag-usapan. 
Habang-buhay kong utang na loob ang pagsusumikap niyo sa bansang ito, ang bansang  minsan na ring nagpadama ng pang-aapi sa inyo. Ipinagkait sa atin ang mga oportunidad na pinagsikapan natin sa Pilipinas dahil hindi turing na sapat ang mga kredensyal natin dito sa America. Nagdusa at nakaranas kayo ng diskriminasyon para lang magkaroon tayo ng maginhawang buhay.
Pero ang mga pagsubok na ito ang nagpapalarawang sama-sama tayo sa paglaban, at hindi tayo magiging ligtas hangga’t ang mga Itim ay ligtas din. Ang kailangan natin ay ang mundo kung saan pwedeng mabuhay ang lahat nang walang takot. Ito ang gusto kong kinabukasan--at sana ito rin ang gusto niyo.
Lubos na nagmamahal at umaasa,  
Ang inyong mga anak
//

Mom, Dad, Uncle, Auntie, Grandfather, Grandmother, Family:
We need to talk. 
You may not have many Black friends, colleagues, or acquaintances, but I do. Black people are a fundamental part of my life: they are my friends, my neighbors, my family. I am scared for them.
Recently, in Minnesota, a white police officer killed a Black man named George Floyd by kneeling on his neck for almost 9 minutes—ignoring his repeated cries that he was unable to breathe. Two more police officers helped pin Floyd down, while a fourth, Asian officer stood guard and didn't intervene. Floyd is not alone: Already this year, police officers killed Dreasjon Reed in Indiana and Tony McDade in Florida in May, and Breonna Taylor in Kentucky in March. An ex-detective killed Ahmaud Arbery in Georgia in February. 
Overwhelmingly, the police haven’t faced consequences for murdering Black people, even when there’s been extensive media coverage. Imagine how many more incidents go unrecorded or unseen.
This is a terrifying reality that the Black people I care about live with every day.
You might be thinking: We are also a minority. We’ve managed to come to America with nothing and built good lives for ourselves despite discrimination, so why can’t they?
I want to share with you how I see things. I am telling you this out of love, because I want all of us, including myself, to do better.
For the most part, when we walk down the street, people do not view us as a threat. We do not leave our homes, wondering whether or not we will return that day. We don't fear that we may die if we're pulled over by the police.
This is not the case for our Black friends.
The vast majority of Black Americans are descendants of people who were sold into slavery and brought here against their will. For centuries, their communities, families, and bodies were abused as property for profit. Even after slavery, the government has not allowed them to build their lives—it has legally denied them the right to vote, get an education, or own homes and businesses. These inequalities are enforced by police and prisons—which can be directly traced back to white slave patrols and plantations. Black people are under a constant threat of violence that continues today. Their oppression has not ended; it has only changed form. 
Black people have not only persisted but also persevered against all odds. They’ve been beaten by police, jailed, and killed while fighting for many of the rights that we all enjoy today. Even in an unfair system that pits us against each other, Black organizers helped to end unfair immigration laws and racial segregation for us all.
Though there has been progress, this unfair system is still winning. Throughout these hundreds of years, our government is still killing Black people and getting away with it.

I understand that you’re worried and scared about the looting and property destruction that you are seeing. But imagine how hurt you would be to see other people express more care for replaceable material objects than for the lives of your loved ones. How hurt you must be to protest like this in the middle of a pandemic. Imagine the exhaustion of fighting against the same state violence that your ancestors fought against.
This is why I support the Black Lives Matter movement.  
Part of that support means speaking up when I see people in my community—even my own family—say or do things that diminish the humanity of Black people. Our silence has a cost and we need to talk about it. 
I am eternally grateful for the struggles you have endured in a country that has not always been kind to you. We have been blamed for bringing poverty, disease, terrorism, and crime. You’ve suffered through a prejudiced America so that I could have a better life.
But these struggles also make it clearer than ever that we are all in this together, and we cannot feel safe until our Black friends, loved ones, and neighbors are safe. The world that we seek is a place where we can all live without fear. This is the future that I want—and I hope you want it, too. 
With love and hope,
Your children